Written by Jáñ Püáł
Nilamon ka na niya
Nilamon ka na ng kanyang mga pangako.
Pangakong hindi naman siya magkukulang sa sustento,
Pangakong ibibigay naman niya ang sweldo basta makahanap lang siya trabaho.
Nilamon ka na niya.
Nilalamon na niya ng buong-buo ang iyong katawan at ngayo’y ligayang ligaya na siya sa kalangin.
Isa ka na lang bagay sa kanya ngayon, bagay na pinaglalaruan.
Habang Ikaw si tangang isinuko ang bataan,
At habang sige pa rin sa paghataw ang katawan.
Ang maliit mong utak nagsisimula ng magduda kung kaya ka talaga niyang pananagutan.
Ngayon ikaw ay lumuluha,
Nakaluhod habang humihingi ng patawad sa harap ng ama’t ina.
Pilit silang kinukumbinsi na aksdente ang lahat ng mga nagawa sa gabing hindi inakala.
Ipinapaintidi na ang damdamin ninyong hindi mapigilan ang may sala.
Ngunit aksidente nga lang ba o isang malaking katangahan?
Naisip mo ba ang maaaring maganap pagkatapos ng sarap?
Pumasok ba sa kukote mo na baka ito ang maging dahilan ng pagbagsak ng iyong mga pangarap?
Na baka dahil dito ay ikaw ay maligaw at ang dating makinangg na landas na iyong tinatahak ay hindi mo na muli pang mahanap?
Habang nangyayari ang hindi dapat,
Naalala mo ba ang iyong ama na nagpapakahirap.
Nagpapakahirap upang ibigay sa iyo ang masayang buhay sa alapaap.
Ano na ang gagawin ngayong itinakwil ka ng lahat ng kamag-anak?
Magpapalaboy-laboy sa kalasada at ipapaampon ang anak?
Manlilimos sa mga taong dumadaan sa pasilyo?
Sasayaw sa bar nang nakahubo?
o pupunta kay bes upang makitulog at makiligo?
May naaalala akong kangat dito 😂
LikeLike
kanta*
LikeLike
Hahaha marami talaga typo blog ko hahaha thanks
LikeLike
Hindi akin po yun. Sabi ko kasi *kangat Hahaha kanta dapat.
LikeLike
Oo nga pala hahahah di kasi ako sanay mag wordpress eh hahahaha
LikeLike
Parehas po tayo inaaral ko palang din po. Bago lang ako. Netong ECQ lang hehe
LikeLiked by 1 person
Hahahah ako dati pa kaso natigil
LikeLike
Masaya naman siya. Pantanggal bagot.
LikeLike
Lol mali pala. Di ako sanay mag wordpress hahahah
LikeLike