K•A•I•B•I•G•A•N

Written by Jan Paul

Bes ang tawagan,
Subalit mabait lang kapag harapan.
kunyari ipagtatangol sa kalaban,
Pero siya ang tunay na kaaway kapag talikuran.

Nagkukubli siya bilang kaibigan.
Ngunit ahas ang tunay niyang kaanyuan.
Kawangis niya ito sa kagaspangan.
Kasing bilis niya itong manuklaw ng kasintahan.

Lalapit yan sa iyo kapag may kailangan.
Ngunit kapag ikaw naman ang nangangailangan,
Nagiging karayom siya sa damuhan.

Magaling humiram ng gamit,
At siyempre magaling rin manggamit.
Bagay ang tingin niya sa iyo’t
Hindi tunay na kasanggang dikit.

Siya ang unang manlalait
Siya ang unang maninira
Siya rin ang unang sasaksak sa’yo ng patalikod
Ngunit wag ka mag-alala sapagkat ikaw ay may pakinabang pa sa kaniya

12 thoughts on “K•A•I•B•I•G•A•N

Add yours

  1. Dami kong nameet na ganyan. Minsan pa nga napapaiyak pa ako sa gabi habang di nila nalalaman that I already knew I was backstabbed by them; until may dumating na isang taong matatawag ko talagang tunay na kaibigan. Isang regalo talaga mula sa Diyos. 😄

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: