Iniwan Mo Akong Mukang Tanga

Written by Jan Paul

Iniwan mo akong mukang tanga
Sa kagubatang ako’y naninibago pa.
Sa dilim na takot ako.
Sa lugar kung saan ako bobo
Sa hirap na hindi ko alam kung ano ang aking matatamo.

Hinayaan mo akong maiwan sa laylayan ng lipunan,
kahit pa ipinangako mo na kailanman’y di lilisan.
Pinabayaan mo akong nasasaktan.
Habang ika’y ligayang-ligaya sa pakikipaglandian.

Hindi ko na alam ang aking gagawin.
Balot na ng kung ano-anong tinig ang aking mumunting kaisipan.
Baliw na kung baliw kung yun ang gusto nilang itawag sa akin.
Bakit, Sino ba ang makakapagisip ng tama kung siya’y nilisan?
Hindi ba kahit sino naman ang nagmahal ng sobra at biglang iniwan ay mawawala rin sa katinuan?

Pagod na pagod na ang aking isip para sumawsaw pa sa balitaktakan.
Wala na ito pake sa kanyang kapaligiran.
wala ng pake na siya ang pinagbubulungan.
Dahil ano nga ba naman ang mapapala kung ang chismisan ay akin pang papatulan?
Mababago ba nito ang katotohanan na kahit kailan ay di mo na ako babakilan.

Ang katawan ko’y kung saan-saan mo matatagpuan.
Minsan mong makikita na palutang-lutang sa dagat ng kawalan.
Na tila kaisa na ng mga along walang patutunguhan.
Bawat hampas, bawat taas at bawat baba ay susunod rin.
Umaasa na baka sakaling bukas, sa iyo muling anurin.

Minsan ako ay tila nagiging palaboy sa kalsada na nanghihingi ng limos,
Subalit hindi tulad nila, hindi pera ang aking ipinaghihikahos
Pag-ibig ang hinahanap ko
Pag-ibig na tutumbas sa ibinigay mo.
Pag-ibig na bubura sa iyo at sa alaalang iniwan mo.

Ang mga paa ko’y kusa nang humahakbang na para bang may mga sarili nang kaisipan.
Oo, nasanay na nga yata silang magdesisyon sa kanilang sarili dahil alam nilang wala na ako sa wisyo para magbigay pa ng kautusan.

Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng pangugulila,
Ang hirap ng pag-iisa.
Ang lungkot sa bawat patak ng mga luha sa aking mga mata
Ang pait ng katotohanang magiging permanente na yatang hindi kita kasama.

Nais ko nang tuldukan itong kalungkutan,
Sapagkat isang malaking kasayangan lang sa aking oras kung patuloy pang mamahalin.

Kaya magmula ngayon ay lilimutin na kita,
Ibabaon na kita sa libingan ng mga ala-ala.
Yung mga ala-alang hindi na dapat binabalikan pa.
Sapagkat ang mga ala-ala na ito ay ang mga ala-ala nung iniwan mo akong mukang tanga.

Iniwan Mo Akong Mukang Tanga

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: