Miss ko na

Written by Jan Paul

Explicit content warning. Naglalaman ng mura

Miss na kita at ang sigla na iyong dala-dala.
Ang umagang pinapaganda ng kislap ng ‘yong mga mata.
Ang alab sa mga labi mo na sa akin ay ipinadarama.
Ang pananabik sa mga yakap mo sa tuwing tayo’y nagkikita.
At ang lambing sa mga tanong mo na “babe , I love you. Nasaan ka na?”

Subalit sa panaginip at pangungulila na lang ang mga ito.
Dahil ang lahat ng paghahamahal sa isa’t isa’y tuluyan nang naglaho.
Sa isang iglap ay biglang nabaligtad ang mundo at napuno ng galit ang ating mga puso.

Ang dating “kamusta” ay napalitan ng “putangina.”
Noon tawagan natin ay babe nayon ay “dimonyo ka”
At sa tuwing magtatama ang ating mga mata’y tila estranghero na sa isa’t isa.
Walang nakaran,
Walang kasalukuyan,
Walang Kinabukasan.
Pinagtagpo ngunit walang kwentong nakalaan.

Iniwan mong namumugto ang aking mga mata.
Mga matang dati’y hinahalikan mo pa.

Babe bat di ko alam na ikaw pala ay puta.
Sa totoo lang babe di ko yun namalayan kakatitig sa iyong ganda.

Bakit mo ako ipinag palit?
Sabi ka ng sabi na hindi mo na kaya.
Lagi mong ipinaparamdam na ayaw mo na
Babe binigay ko naman sayo ang lahat.
Sa totoo nga higit pa yon sa aking abot kaya.
Nasobrahan ba at masyado nang mabigat?

Sana sinabi mo nang napagdiskusyunan at nang nasolusyonan
Nang sana’y ang mga masasakit na salita ay di na tuluyang pang binitawan.
Dahil ang mga salitang ito’y uukit sa ating kaibuturan.
Na kahit lumisan ka man ay panghabang buhay na itong maiiwan.
Mananatiling palatandaan ng iyong paglisan

Galit ako sayo dahil sa iyong kataksilan.
Ngunit ikaw naman ay umaaktong galit din para pagtakpan ang iyong kamalian.
Nagpakalat ka ng maling kwento para palabasin na sa hiwalayang ito’y ako ang tunay na may kasalanan.
Ngayon sa aki’y galit na ang mga kaibigan.
Tingin nila sa akin ay dimonyong pinakawalan ng diyos ng kailaliman.

Ngunit wala akong pake sa kanilang sinasabi.
Dahil ang puso ko ay may iisang rin na sinasabi.
Nangugulila na ika’y muling makatabi.
Na mahalikan muli ang matatamis mong labi.

Habang pinipilit ko ang aking sarili na ikaw’y iwasan ay mas lalo lang tumitindi ang pagnanais ko na ika’y mahagkan.

Dama ko pa ang iyong presensya sa aking kama.
Ang kamay ko’y kusang paring gumagapang sa tabi’t nagnanais na ika’y muling madama.
At pag hindi dama’y tatanungin ang saliri “Babe nasan ka na?”
“Babe miss na kita.”
“babe miss na miss na kita!!”
“Babe tangina please bumalik ka na!!!”

Nagpupunta parin ako sa ating pabiritong tagpuan upang magbalik-tanaw.
Doon’y sinasariwa ang mga panahong ako pa ang iyong giliw.
Mga panahong sa isa’t isa ay baliw na baliw.
Panahong di mo aaakalain na ang mga kamay natin ay magbibitiw.

Tanda ko pa yung araw na inamin mo ang iyong nadarama.
Tuwa agad ang namutawi sa aking mukha dahil ikaw ang una.

Miss ko na ang dati, pwede bang isa pa?


Note

This is fiction and the featured image is mine🥰

Thank you for reading. I really appreciate it, I know it’s not a good poem, I am not pro. Feel free to comment, no need to sign up.

Copyright © By JAN PAUL and J.P.D.T, 2017-2020. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to JAN PAUL and  Jan Paul (J.P.D.T.) with appropriate and specific direction to the original content.

© By Jan Paul (J.P.D.T) All Rights Reserved

32 thoughts on “Miss ko na

Add yours

  1. Eating moon… Babe… YOU shouldn’t translated TO Englishman SOON❤ TRYING TO pick put THE in between WORDS. NEED MY notebook WHICH IS HOME AT THE MOMENT. GOING TO GO swimmingly on THE pool… ❤ it’s got HERE YOU shoulda… Jeep swimmingly have

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: