Written by Jan Paul
Sa paanong isang iglap ay bigla na lang naglaho.
Mga pundasyon ng pagkakaibigang pinagtulungan itinayo ay isa-isa ng gumuguho,
Ang samahan na limang buwan din pinagsumikapan ay humantong na sa huli nitong yugto.
Samahang walang centro at ang bawat isa ay may halaga sa grupo.
Isang samahang tunay na napaka extraordinaryo.
Sino ang mag-aakala na sa kabila ng mababangis na hangin ng lugar na ito ay makakatagpo ng kakaibang anyo ng init.
Init na magsisilbing pugon na tutunaw sa namamanhid at nagyeyelong damdamin.
Ang pagmumulan ng liwanag tuwing mag gagabi at ang daan ay kay hirap aninagin.
Magsisilbing gabay sa kada hakbang sa mga bagong pagsubok na susuungin.
Isa-isa nating kinulayan ang mga natitirang araw sa taon.
Ang bigat na kalakip ng mga pangarap ay pilit pinagaan.
Pinuno ng ligaya hanggang sa ang mga araw ay unti-unting naging buwan.
Hanggang sa hindi sa na rin namalayan na malapit na pala ang araw ng ating katapusan.
Ang tuldok sa huling bahagi ng ating maligayang pangungusap.
Mga di palanadong paglalakbay para limutin ang lumbay ay isa sa pinaka masayang bahagi sa aking memorya.
Ala-alang nagbibigay ngiti sa aking mga labi na sa parehong panahon rin ay bumubulag sa aking mga mata.
Humaharang sa masakit na kasalukuyang hindi ko madama.
Mahigsing panahon kumpara sa iba ngunit sapat na ito upang makabuo tayo ng isang extraordinaryong pagsasama.
Araw-araw ko man sariwain sa aking isip ang itsura ng bawat isa ay wala ng magawa dahil unti-unti na itong nabubura.
Nubulok sa nakaraang pilit ko paring inaa-lala.
Nais ko man itong ipagpatuloy ay wala ng pag-asa na madugtungan pa.
Dahil sa buhay ay may mga bagay na higit pa sa abot ng ating mga makakaya.
Mga bagay na tanging diyos lang may hawak ng manubela.
At ang tanging papel lang natin ay laruin kung ano man ang biyaya.
Kung tutuparin ang isa sa aking kahilingan, yun ay ang makasama muli kayo sa isa pang pagkakataon. Na buhaying muli ang limang buwan na ating pinagsamahan.
Dahil minsan ay naranasan ko ang tunay na kaligayahan.
Mahigsing panahon kumpara sa iba ngunit sapat na ito upang makabuo tayo ng isang extraordinaryong pagsasama.
BAGUIO FRIENDS
AN: You may have noticed it by now, I am alternating my post between Tagalog and English. My blogs will alway be in English. Thanks for the support😍🥰
Feature Image is mine, captured in Baguio
This is fiction
alternative title is “Nawakasang Pagkakaibigan”
Copyright © By JAN PAUL and J.P.D.T, 2017-2020. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s author and/or owner is strictly prohibited. Excerpts and links may be used, provided that full and clear credit is given to JAN PAUL and Jan Paul (J.P.D.T.) with appropriate and specific direction to the original content.
© By Jan Paul (J.P.D.T) All Rights Reserved
Bakit mo naman winasak ang friendship?
Anyway,,,it’s a nice penned.
👍👍👍
Good job 👏
Reminds me of my friends in high school but thanks to social media we are connected again.
😂😂😂
LikeLiked by 2 people
Lol hahahah ganun talaga.
LikeLike
Thank you 🥰😍🤩🥰🤩
LikeLike
Namimiss ko na mag baguio. Parang kailan lang balik ako ng balik jan HAHAHA
LikeLiked by 2 people
Same. Nakakamiss yung lamig pati yung mga tao😭😭🥰😍 Pero hanggang tula sa tula na lang maidadaan ang pagkamiss🥰🤣😂 nakalockdown pa sila ngayon🤣😂
LikeLiked by 1 person
So wala ka pala sa Baguio ngayon? hahaha.
Naol miss.
Oo nga nagnosebleed pa ako one time dahil daw yun sa temp dun.
LikeLiked by 1 person
Hahahaha matagal ng wala🤣 haahaha pati ilong nagyeyelo dun eh hahahah🥶🥶🥶
LikeLiked by 1 person
Tapos ang swerte nung ibang hotel di kailangan ng aircon. HAHAHA.
LikeLiked by 1 person
Oo hahaha lalo na yung SM ahhaha cinema lang yata may aircon dun eh🤣🤣😂😂
LikeLike
Sobrang husay niyo po. Ganda ng wordplay niyo and ‘yong ritmo, legit! Bigla tuloy ako nalungkot para sa Baguio hahaha, hopefully maging maayos din lahat para sa inyo. Keep safe po!
LikeLiked by 2 people
Maraming maraming salamat po.😭😍❤😍 Sana nga po maging maayos na ang lahat😭❤😍 keep safe din👍👌
LikeLiked by 1 person
Salamat po.
LikeLiked by 1 person
balikan mo ang baguio. pati ang pagkakaibigan. kalimutan ang hidwaan. ngayon, mas kelangan natin ang pag-tulong-tulong.
LikeLiked by 1 person
Yes, tama. Huwag sayangin ang nabuong pagkakaibigan dahil bibihira ng lang tayo makatagpo ng ganitong klaseng samahan. Maraming salamat sa iyong kumento, nawa ay naligayahan ka sa iyong pagbisita sa aking site. hehehe
LikeLiked by 1 person
matagal din ako dyan sa baguio nun. sarap dyan. dami akong good memories of Baguio!
LikeLiked by 1 person
Yes. Napakaganda ng Baguio, kung pwede lang gawin Baguio ang buong Pilipinas eh papayag ako hahaha. Maraming salamat 🥰🤩🔥
LikeLiked by 1 person
I DID noticed.. Supper recognizer HERE have… ❤ GLAD YOU ARE going English FOR ME 😘
LikeLiked by 1 person
Yeah, but I am not that good in English though🥰😍🤩
LikeLike
O neg TO differ LOVE😘
LikeLike