Sa Akin Ka Naman

Hello to my English readers, this is poetry week so my post will be tagalog but you can always visit my site and read my previous blogs or follow my twitter for the meantime. Muli na naman akong kumakatok sa inyong RSS dala and isang tula na di ko alam kung pano ko nagawa (work of fiction). Isang tula lamang ito at yung mga nakabold na sentences ay hiwalay sa mismong tula. I hope you enjoy this!


SA AKIN KA NAMAN

By Jan Paul (J.P.D.T.)


TINIKMAN KO ANG PINAGBABAWAL NA GAMOT

Mahirap mahulog sa taong may relasyon.
Matang balisa at lilingon-lingon,
Utak ay puno ng imahinasyon.
Paulit-ulit sa isipan ang mga magiging kaganapan,
Sa oras na ang mga tingin ay magkatiyempohan .
Tayo ay magtitigan.
Iikot ang mundo at magliliwanag ang kapaligiran.
Papasok ka sa kaloob-looban ng aking kaibuturan.
At sa loob nito ay sasambulat sa iyong harap ang lihim na nararamdaman.

KINAIN KO YUNG NAGBABAGANG ULING SA HALIP NA YUNG BARBEQUE

Balat ko ay namumula.
Bukambibig ay masusing sinasala.
Pinipigilan ang sarili upang di madala ng damdaming kay lala.
Giyerang nakaabang ay hindi ko nais maganap sa oras na ako ay madulas
Dahil tiyak na ang pagkakaibigan natin ay tila pelikulang magwawakas.

KUNG GUSTO MONG SUNDAN ANG IYONG MGA PANGARAP, HUWAG KA SA TREADMILL TUMAKBO.

Gabi-gabi kong pinapangarap na magkahiwalay kayo.
Na matatauhan ka na ako ang mahal mo.
Na balang araw ay bibitawan mo ang mga bisig niya.
At tutuklasin ang mundo na ako ang kasama.

NAGDIVE AKO SA POOL NA WALANG TUBIG

Damdaming pilit na nanlalaban,
Hanggang kailan kayang labanan?
Babaeng kaytagal inasam,
Makakamtan lang ‘pag lihim ay ipinaalam.

TUMALON AKO SA EROPLANO NG WALANG PARACHUTE

Pagod na ako sa aking sitwasyon.
Inipong lakas ng loob ay akin nang ikakasa.
Gatilyo ay kakalabitin sa muling nating pagkikita.
At ipuputok ang pagmamahal na matagal ring pilit kumakawala.

SININDIHAN KO ANG GRANADA PERO HINDI KO HINAGIS

Boom! “Gago, baliw, nauulol ka ba?”
Mga katagang sinambit niya.
Sagot ko sa kanya.
“Hahaha! Naniwala ka naman. Joke lang.”
Pabirong ganti pero ang puso ay unti-unting nagpira-piraso.

NALIGO AKO SA GITNA NG ANTARTIKA NG WALANG SAPLOT.
ANG LAMIG…


Damdaming pilit na nanlalaban,
Hanggang kailan kayang labanan?
Babaeng kaytagal inasam,
Makakamtan lang ‘pag lihim ay ipinaalam.
– Jan Paul (J.P.D.T), Sa Akin Ka Naman


The End
Thank You

Maraming salamat sa pagbabasa kahit na walang kwenta yung tula na ito ay pinilit niyo parin basahin kaya maraming salamat talaga. Medyo wala na rin akong maisip na gagawing tula hahaha. Please comment niyo pag may nakita kayong spelling mistakes. Nakakahilo mag proofread ng sariling gawa. Maraming salamat muli sa pagbabasa.


Featured Image from Pexels.com. Here’s a link directed to my site Jan Paul (J.P.D.T.) Please do not reproduce. You can Reblog but only an excerpt or choose only the part that you like and give proper credits. Thanks

Copyright © By JAN PAUL and J.P.D.T, 2017-2020. Unauthorized use and/or duplication of this material without express and written permission from this site’s owner is strictly prohibited. Excerpts may be used, provided that full and clear credit is given to JAN PAUL and Jan Paul (J.P.D.T.) with appropriate direction to the original content.

COPYRIGHT © BY JAN PAUL (J.P.D.T) ALL RIGHTS RESERVED

47 thoughts on “Sa Akin Ka Naman

Add yours

  1. Woah, the titles are catchy. Keep up! It doesn’t matter kung sa tingin mo na walang kuwenta, don’t be, the messages are there. Written in just few words 😊

    Liked by 2 people

      1. Yeppp. Sa webnovel ko pino-post ang mga nobela ko. Hahahaha. Gosh, I quit Wattpad na degrade ako hahahaha Tho may dalawang sites ako for upcoming stories na dominantly, English ang language lol. Pero TagLish pa rin.

        Liked by 1 person

      2. Kala ko sa wattpad may account ako dati don kaso dinelete ko, nagsawa ako sa mga paulit-ulit na story hahaha. Parang puro diary ng pangit ang plot haha. SEND SITE hahahaha.

        Like

  2. Jan Paul, nakakainspire ka. Kahit para sa’yo walang kwenta gawa mo, you still share it to many. How you express yourself matters the most. 😊
    Keep inspiring, Sir!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha. Maraming salamat kapatid. Nagagalak ang aking puso dahil isa ako sa pumasok sa iyong isip na inominate sa napaka prestihyosong gantimpala na ito. Hehehe. Sagutin ko yung mga tanong pero baka hindi ko na ipost sa site ko hehe.

      Liked by 1 person

    2. 1. tingi tinging tula,
i’ve never liked reading
8 books
      2. cerca de nada joke hahaha Idk
      3. Yung through…. something i can overcome.
      4. Di ko rin alam
      5. It is from Looking for Alaska Novel. I can’t find the exact quote
      6. everything
      7. nothing
      8. One way
      9. Idk
      10. Idk din hahaha
      11. no? i don’t know hahaha.

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: